Kabanata 16 |2|

1524 Words

NATIGILAN si Conrado sa narinig mula sa babae. Mababakas ang takot sa boses ng dalaga. "Bakit? Ano'ng nangyari?" Sinubukan niyang ilayo nang bahagya si Mariah at itinaas ang mukha nito. Bumungad sa kaniya ang naluluhang mga mata ng dalaga. Ang kanina'y mga katanungan at pag-aalinlangang nararamdaman niya ay biglang naglaho. Napalitan iyon ng pag-aalala para sa dalaga. Mula sa loob ng gubat ay naglakad sila patungo sa ilog. Tinawid nila ito at magkahawak-kamay na naglakad patungo sa bahay ni Mariah. Sa baba ng puno ng niyog kung saan sila naabutan ni Gado noon, muling umupo ang dalawa at nanatiling tahimik. Nakaunan sa mga braso ni Conrado si Mariah habang makikita naman ang matamis na ngiti mula sa mga labi ng huli. "Nakatali ako, Conrado. Nakatali ako sa isang bagay na ayaw ko," baka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD