AGAD na napatayo si Ahnia mula sa pagkakaupo nang makitang paparating si Conrado. Mabilis siyang nagpasalamat at nagpaalam kay Nadya upang salubungin ang binata. "Kuya, did you forget something? Dalawang oras pa lang when you left, ah? Is there a problem?" sunod-sunod niyang tanong nang malapitan ang lalaki. Isang iling lamang ang itinugon ni Conrado. Diretso itong naglakad hanggang sa marating ang kubong tinitirahan nila. Sumunod naman siya sa likuran nito. "Then why are you so early? Mamayang tanghali pa dapat ang out mo, `di ba?" Muling umiling ang lalaki bago nilapitan ang maliit na lamesa at nagsalin ng tubig sa isang plastic na baso. "Umalis ang pamilyang pinagmamaneho ko. Ilang araw akong walang pasok," anito at umupo sa silyang malapit sa kalan. Namilog ang mga mata ni Ahnia