"Mahal ko, ano'ng problema?" Agad na tumayo ang lalaki at lumapit sa kaniya saka lumuhod. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at mataman na tinitigan. "Ahnia, bakit ka umiiyak? May masakit ba? Masakit ba ang tiyan mo?" Agad siyang umiling dito at pilit na ngumiti. Gusto niya sanang humingi ng tawad sa lalaki at makipag-ayos dito, pero sa halip, ibang mga salita ang lumabas sa kaniyang bibig. "Damn you, Conrado! I swear, if you ever go to that woman, I'll kill you!" Mabilis na natigilan si Conrado sa mga narinig. Matagal nitong pinakatitigan ang mukha niya habang tila hindi ito makapaniwala sa mga bagay na lumabas sa bibig niya. Dahil sa pagtahimik nito ay mas lalo siyang nakaramdam ng inis. "Nakikinig ka ba? Ang sabi ko, huwag mong pupuntahan ang babaeng iyon!" "Sino ba ang tinu