HINDI magawang magsalita ni Conrado habang nakikinig sa usapan ng mga kalalakihan sa labas ng bakuran ni Gado. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang pangamba sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay unti-unting kinakain ng takot ang kaniyang puso. Nakahinga siya nang malalim nang maramdaman ang tapik sa kaniyang balikat. Nang lingunin niya ito ay nabungaran niya ang nag-aalalang mukha ni Gado. "Huwag kang padadala sa emosiyon. Walang mangyayari kung magpapatangay ka sa mga bagay na kinakatakot mo," wika ng lalaki. Hawak ng kaliwang kamay nito ang tasang naglalaman ng mainit na kape. Diretso ang tingin nito sa mga lalaking nag-uusap sa labas. Nagbawi siya ng tingin at itinuon ang atensiyon sa malayo. Alas-sais pa lang ng umaga, pero gising na gising na ang lahat ng tao sa kanilang bar