"DITO sabi ako matutulog!" pagpupumilit ni Conrado at mabilis na umupo sa tabi ni Ahnia. Nakahiga na ang babae, ngunit nang makita siya nitong pumasok sa silid ay mabilis itong bumangon. "I said I don't want you here! Get out, Kuya Conrado!" pagalit nitong wika. Bumuntong-hininga siya bago bahagyang nailing. "Ahnia naman, galit ka pa rin ba sa akin?" Sa tanong niyang iyon ay mabilis na nag-iwas ng tingin ang babae at pinagkrus pa ang mga braso sa tapat ng dibdib. Muli siyang bumuntong-hininga. "Mahal ko, huwag ka nang magalit. Ito naman, katatapos lang natin makipag-peace sa simbahan, a?" Tumalim ang tingin ni Ahnia nang bumaling ito sa kaniya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin. "Peace? Nagpapatawa ka ba? Ninakawan mo ako ng halik, `tapos peace?" tila naiinis na sabi nito. Kulang