Third Person's POV Abala si Dani sa Maria's Cake Shop may mga order kasi na kailangan i-deliver on time kaya tinulungan na niya ang kanyang mga staff sa pagprepara. "Nakita mo ba 'yong paparating? Grabe! Ang gwapo!" Kinalabit ni Rea si Pearly. "Nasa'n?" tanong naman nito na sinundan ng tingin ang tinutumbok ng mga mata ng kasama. Isang matangkad na lalake na may magandang pangangatawan at gwapong mukha ang pumasok sa kanilang shop. "Ay, oo nga, noh! Ang gwapo nga!" sang ayon naman ni Pearly, nagkorteng puso pa ang mga mata nito. "Ako ang mag-a-assist, ha!" pagboboluntaryo ni Rea. "Tsh! Ako na, kapag pogi lagi na lang ikaw ang kumakausap. Ako naman, type ko talaga s'ya, promise! Feeling ko nakita ko na ang destiny ko," kinikilig na sabi ni Pearly na hindi inaalis ang tingin sa papala

