Third Person's POV Nakatanaw lamang si Lucas kay Maria habang pumapasok ito sa gate ng malaking bahay. Gaya ng kahilingan nito ay inihatid niya ang dalaga nang gabi ring iyon. Magkahalong saya at pangamba ang nadarama niya ngayon. Hindi niya lubos maisip kung bakit ibinigay ni Maria ang sarili nito sa kanya. Naguguluhan siya sa mga nangyayari, hindi siya makapag-isip ng tama. Ilang minuto narin siyang nakatambay sa tapat ng bahay nito. Bumuntong hininga siya nang malalim at napagpasiyahan na lisanin na ang lugar. Ini-start niya ang engine at pinaharurot ang kanyang sasakyan. Ang hindi niya alam ay nakasilip lamang si Dani sa bintana ng kanyang silid at nagmamasid, naghihintay ito kung kailan siya aalis. Ibinagsak ni Dani ang katawan sa malambot na kama, gumuhit ang isang ngiti sa kanya

