Third Person's POV Nagpunta sina Jason at Dani sa probinsiya ng isa sa mga kidnaper n'ya. Kinausap nila ito tungkol sa alok nilang tumayo itong testigo laban kay Louella dahil kung hindi niya ito gagawin ay kasama siyang mabubulok sa kulungan ng dalaga. Napapayag nila ito gayundin ang isa pa na nagtatrabaho naman bilang gwardiya ay madali lamang nilang nakumbinsi dahil hindi naman daw talaga sila sang-ayon sa ipinagagawa ni Louella noon, napilitan lamang silang gawin iyon dahil ayaw nilang mawalan ng trabaho. "Let's stop pretending, Maria." Agad nabaling ang tingin niya kay Jason na noon ay hindi niya pansin na kanina pa pala nakatitig sa kanya. "Huh! What do you mean?" naguguluhang tanong niya. "What I mean is, tigilan na natin ang pagpapanggap na magkasintahan tayo. Ipagtapat mo na

