Third Person's POV Nakahinga nang maluwag si Lucas ng wala namang nakitang kahit ano sa laboratory test ni Sage. Ayos naman lahat ang naging resulta ng test nito. Bumaba na rin ang lagnat ng bata. Ngayon nga ay nakaramdam na siya ng kapanatagan ng loob. Si Maria ang nag aasikaso sa bata, gising na ito at tuwang-tuwa nang makita ang dalaga. Sumigla kaagad si Sage at lahat nang sabihin ni Maria ay sinusunod nito katulad na lang ngayon ay hindi nila ito kailangan pang pilitin na kumain. Magana itong sinusubuan ni Maria. "Are you sure she's not Dani? She looks exactly like her," paniniguradong tanong ni Lei kay Lucas. "How I wish na si Dani nga s 'ya, Tita. But, she's not Dani magkamukha lang talaga sila." Nasa labas sila ng silid ni Sage at nakasilip sa may binata, pinagmamasdan nila ang

