Third Person's POV "Ano'ng nangyari kay Maria?" tanong ni Aling Marina kay Estella nang salubungin niya ang mga anak sa harap ng kanilang tarangkahan at makita ang panganay na anak na namumutla at mukhang hinang-hina. "Parang may naalalang konti si Ate sa nakaraan niya kaya lang ay takot na takot siya," pagkukuwento ni Estella sa ina. "Sige ipasok muna natin siya at pahigain para makapagpahinga." Inakay ng mag-ina si Maria. "Sir, sandali lang po, ha!" Binalingan ni Estella si Jason tumango naman ang binata at naupo muna sa upuang kawayan na naroon sa labas. Ilang minuto siyang naghintay bago lumabas si Estella. "Sir, pasensiya na kayo, ayos na ang kapatid ko nagpapaghinga lang sa kanyang higaan. Kumalma narin siya ngayon," pagbabalita ni Estella sa kalagayan ng kanyang kapatid. "P

