Makalipas ang isang taong pamamahinga ay bumalik na muli sa pagta-trabaho sa bake shop si Dani. Siya ang naka-assign sa main branch at si Estella naman ang umiikot sa iba't-ibang branches nila. Napangiti siya ng mabasa ang sweet message ng kaniyang asawang si Lucas. Naka- break ang mga kasama niya sa tindahan kaya siya na muna ang nagbabantay. Usually ay nagko-close sila ng isang oras kapag sumapit na ang alas dose ng hapon, kaya lang dahil nauna na naman siyang kumain sa mga ito ay hindi na niya ipinasara ang shop at siya na muna ang tumao. Every day with you feels like a love story written in the sky. You complete me in ways I can't even measure. I love you for the rest of my life, my lovely wife. Kung iba ang makakabasa ay sasabihing cheesy ang mensahe na iyon ng kaniyang asawa. Ngun

