Third Person's POV "I want you to go with me when I come back in Manila, Maria." Nabaling ang tingin ni Maria kay Jason, hindi niya alam na kanina pa pala ito naroroon at pinagmamasdan siya. Kasalukuyan siyang nasa hardin at tinatanggalan ng tuyong dahon ang mga halaman. "Huh! Bakit po n'yo po ako isasama sa Maynila, Sir?" Nagtatakang tanong ng dalaga, tumayo siya at hinarap ang binata. "Because I want to help you. The best hospital is in Manila and I have a friend that is a doctor. I'll refer you to him. We'll also go to consult a specialist and ask them if the scar on your face can still be removed," paliwanag nito. Napakurap ang mga mata ni Maria habang nakatitig kay Jason. "Bakit n'yo po ako gustong tulungan, Sir?" seryosong tanong niya sa binata, gusto niyang malaman kung bakit

