Third Person's POV Limang araw na ang nakalilipas simula ng ma-operahan si Lucas at hanggang ngayon ay nananatili parin itong walang malay. Hindi naman nawawalan ng pag asa si Dani na isang araw ay magmumulat din ng mata ang binata. Ngayong araw ay pumunta siya sa eskuwelahan ni Sage para sunduin ang bata, wala itong alam sa nangyari sa kanyang ama. Napagdesisyunan ng pamilya na huwag na lang munang sabihin kay Sage ang kalagayan ngayon ni Lucas. Inaalagaan nila ang mental health ni Sage. Masyado pa itong bata para maintindihan ang mga ganuong bagay. "Mommy!" tuwang tawag ni Sage kay Dani ng sa paglabas niya sa kanilang classroom ay ang dalaga ang makita niya imbes na ang tagapag alaga na si Loida. Nagtatakbo ito papalapit kay Dani at sinugod nang yakap ang dalaga. Ang cute-cute ni S

