Third Person's POV Dinalaw ni Jason ang kababatang si Louella sa kulungan. Ang itsura nito ngayon ay malayong-malayo sa nakasanayan ng binata na nakikitang itsura ng dalaga. Wala itong kaayos-ayos, walang make up, ang maganda at madulas nitong buhok ay nakalugay lang at mukhang hindi pa nadadaanan ng suklay. May benda ito sa kamay sanhi ng tinamo nito noong nakaraang engkwentro niya sa mga pulis. Dapat sana ay makaramdam ng awa si Jason dito kaya lang ay hindi naman niya nakikitaan ng pagsisisi si Louella. Nananatili parin itong mapagmataas. "What are you doing here?" inis na tanong nito kay Jason, tamad na ibinagsak nito ang katawan sa plastic na upuan. "I'm here to visit you," sagot naman ni Jason. Inisnab lamang s'ya nito. "Hindi ko kailangan ang pagbisita mo! Bakit, may magagawa ka

