Third Person's POV "Huh!Ano ang ingay na 'yon?" tanong ng isa sa mga tauhan ni Louella. "Tsh! Hayaan mo lang si Ms.Louella 'yon, pinagti-trip-an siguro ang bihag n'ya. H'wag tayong papasok hangga't hindi tayo tinatawag, mamaya niyan mapagalitan na naman tayo," sagot naman ng isa na abala sa paghithit buga ng sigarilyo. Nakatambay ang dalawa sa garahe at umiinom ng beer habang ang isa nilang kasamahan ay naroon parin at nakabantay malapit sa gate. "Ano ba kasi pinaplano niya sa magandang babae na kinidnap natin? Sayang naman, sana ipinaubaya na lang niya sa atin." "Hintayin mo kapag nagsawa na 'yon sa pagpapahirap sa babae ay ipapasa na sa atin 'yan." Nakahanap ng tiyempo si Lucas at Jason, ng umihi ang nagbabantay sa gate ay agad sumampa sa bakod ang dalawa at tinalon iyon. Tinadyaka

