Third Person's POV "Nagawa na po namin ang ipinag-uutos mo, Ms. Louella." Napangiti si Louella sa magandang balita na narinig buhat sa kanyang mga tauhan. "Sige, bantayan n'yo siyang maige at huwag hahayaang makatakas, darating na ako," tugon niya sa kausap sa kabilang linya. Agad na niyang tinapos ang tawag, nagmamadali siyang naglakad papalabas ng MSGOC building. "Where are you going, Louella? Our meeting will start at any moment." Napaigtad siya nang marinig ang boses ni Jason na noon ay kalalabas lang ng kanyang opisina. Napansin niyang hindi sa conference room ang tungo ng dalaga. Huminto saglit si Louella at pumihit paharap kay Jason. "I have an emergency ikaw na ang bahala sa meeting," sabi nito na hindi man lang kakikitaan ng pagkabahala. Nangunot ang noo ni Jason. "How

