Third Person's POV Nagising si Lucas sa tunog na alarm clock na nanggagaling sa kanyang cellphone. Kinapa-kapa niya iyon at natagpuan ito sa ilalim ng unan. Alas siyete na nang umaga ang nakasaad doon. Pinindot niya ito para tumigil na sa pagtunog. Ibinalik niya iyon sa ibabaw ng unan at dumapang muli para ipagpatuloy ang naistorbong tulog kaya lang ay may napansin siya sa kanyang cellphone na binalewala lang niya kanina. Pumihit siya patihaya ay dinampot muli iyon ng ma-realize na may kailangan pala siyang i-check. Binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang maraming missed calls mula kay Dani. Nagtataka siya kung bakit hindi niya narinig ang mga tawag nito kagabi. Nang maalalang kapag gabi nga pala ay naka-silent ang kanyang cellphone at tanging alarm lang ang may tunog. Tinanong niya

