Third Person's POV Tatlong araw mula ngayon ay kaarawan na ni Aling Dahlia. Naisipan ni Paul na bilhan ito ng diamond ring bilang regalo. Magpapasama sana siya kay Dani para magpunta sa jewerly shop kaya lang nagkataon naman na may importante itong ka-meeting na kliyente kaya mag-isa na lang siyang umalis. Ipinarada niya ang sasakyan sa parking ng mall at pagkatapos ay pumasok na sa loob. Naka ilang ikot pa siya bago nahanap ang Aime Wilson's Jewelry Shop, ang pinakasikat na tindahan ng mga alahas sa bansa. Mahigpit ang mga bantay, bago ka makapasok sa loob ay marami ka pang pagdadaanang security check. Ang lahat ng alahas ay maayos na nakalagay sa babasaging estante, wala kang makikitang kakalat-kalat sa paligid, hindi kasi biro ang halaga ng bawat isa niyon. Nang tuluyang marating a

