Third Person's POV Nang matapos ang klase ni Sage ay dumiretso na agad ito sa college building. Bitbit ang kanyang gitara ay tinungo nito ang lugar kung saan madalas tumambay si Hera at ang mga kaibigan nito. Nadatnan niya roon ang dalaga. "Look... Guys si Sage, oh!" bulalas ni Bella nang makita ang batang humahangos papunta sa direksiyon nila. Nagkagulo ang grupo sa pangunguna ni Hera, sinalubong nito ang cute na cute na bata at agad niyakap. "Sage, why are you here? Nawawala ka na naman ba?" tanong niya rito. Noong una kasi nilang makilala si Sage ay naligaw ito sa campus, hindi pa kasi dumarating ang yaya nito kaya naglaro nang naglaro at nagtatakbo ito hanggang sa makarating sa college building at si Hera nga ang nakakita rito at naghatid kay Sage sa elementary building. "I want

