Kinabukasan ay bumalik pa rin sa bahay ni Xander si Mara, kahit alam niyang ipagtatabuyan lamang siya ng binata. Ang laki ng pagkukulang niya sa lalaking mahal kaya kailangan niyang bumawi. Siguro nga para sa iba ay tama lang na sinukuan na siya ni Xander dahil sa dami ng sakit na ibinigay niya rito. But she knew in her heart that she deserves second chance. Dahil totoong minahal niya ito at naduwag lang siya. At ngayong nasa kaniya na ang pagkakataon para bumawi at para makuha itong muli, hinding-hindi na niya ito palalagpasin pa. Napasinghap si Mara nang makarating sa tapat ng maindoor ng bahay ni Xander. Tahimik ang buong paligid kaya ang akala niya ay tulog pa ito. Naisip niyang ipagluto muna ang binata kaya nangahas na siyang pakialaman ang refrigerator. Utang niya kay Xander ang