Napamaang siya nang makita ang taong laman lamang ng kaniyang isip kanina. "Abby?!" "Hi, Mara. Surprise?" Ipinilig niya ang kaniyang ulo para siguruhing hindi siya nagkamali ng tingin sa kalendaryo. Pero kahit anong pilit ni Mara ay talagang sigurado siyang ngayon ang oras at petsa ng kasal nila Abigail at Xander. Kaya anong ginagawa dito ng kaibigan niya? Ang bilis naman kung nakalipad agad ang mga ito papunta sa Las Vegas, para mag-honeymoon? Nagpatingin-tingin din siya sa labas para alamin kung kasama nito si Xander. Ngunit ni anino ng binata ay hindi niya nakita. Napatitig siya sa mukha ng kaibigan. Bakit parang mas naging malungkot yata ito ngayon kaysa nong huli silang magkita? Ang layo na nito sa Abigail noon na puno ng determinasyong ipaglaban ang nobyo. "Hindi ka ba natuwa