Two months later... Masakit ang ulo na nagising si Mara kinabukasan. Dalawang buwan na rin buhat nong bumalik siya dito sa Las Vegas. At ito ang araw ng kasal nina Abigail at Xander. Nanghihinang bumangon ang dalaga at binuksan ang kaniyang laptop. Gusto niyang silipin ang f*******: ng mga kaibigan niya o kahit anong social accounts, para makibalita sa big day ng kaniyang mahal. Ngunit naduwag siya. Natatakot siyang baka hindi niya kayanin ang sakit. Iyon ang dahilan kaya hindi muna siya nakipag-communicate kina Elise at alam iyon ng bestfriend niya kaya awang-awa ito sa kaniya. Dumapa si Mara at nakuntento na lamang na titigan ang nakangiting mukha ni Xander, na ginawa niyang desktop background. She really wanted those perfect smile to be back. Ang mga ngiting noon ay para lamang