"Are you sure na ayaw mong sumama sa'min?" Muling tanong sa kaniya ni Elise bago ito umalis-kasama ang mga magulang-para sa isang family gathering. "Oo nga naman, hija. Baka kasi mainip ka dito sa bahay, siguradong matatagalan bago makabalik ang unica hija namin." Sabat naman ng ama ng kaibigan niya. Nasa college pa lang sila ay kilala na siya ng mga magulang ni Elise at ganito din ang mga ito sa kaniya. Mababait ang mga ito-lalo na si Daddy Herbert. Hindi nga niya lubos-maisip na ito ang amang ikinukuwento sa kaniya noon ni Xander na umabandona rito at sa ina. "Okay lang po ako, Tito. Medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon, eh." Katuwiran ni Mara. Ang totoo, ayaw talaga niyang sumama dahil siguradong nandon din si Xander. Hangga't maaari ay ayaw na niyang makita ang bina