Come home, sis. Believe me, hindi mo magugustuhang tingnan ang taong mahal mo na nakaluhod sa harap ng altar at iba ang kasama. Baka magkalat ka pa diyan. Please, save your pride. Kung talagang mahal mo si Xander, pero may mahal na siyang iba, sumuko ka na. Huwag mo ng hintaying pagtawanan ka niya. Napaluha si Mara nang maalala ang huling sinabi ng Kuya Jed niya nong huli silang magkausap sa video call. Katulad ng mga magulang niya, hindi ito pabor sa desisyon niyang umattend sa nalalapit na kasal nina Xander at Abigail. She must trust her brother. Dahil minsan na nitong pinagdaanan ang sitwasyon niya. Muntik na itong magwala noon sa simbahan nang ikinasal na sa iba si Stacey. Mabuti na lamang at naagapan nila. Gusto niyang magpakasama at ipaglaban ang damdamin niya kay Xander. Pero a