Kanina pa nakahiga sa tabi ni Xander si Abigail. Subalit wala siyang lakas ng loob na gisingin ang nobyo. In the past two years, she never saw him sleeping as peaceful as he is now. Sa unang taon nilang relasyon ay madalas itong matulog ng may luha sa mga mata. Nagigising din itong ibang pangalan ng babae ang isinisigaw. At nitong huling taon, wala ng bakas ng mga luha ang mga mata ni Xander. Pero napalitan naman iyon ng pagpapanggap. He tried so much to pretend that he's happy being with her. Bumaba ang kaniyang tingin sa mga labi ng binata. Mga pares ng labi na kahit kelan ay never pa niyang natitikman. Dahil sa tuwina, kapag hinahalikan niya ang nobyo ay umiiwas ito, at kung hindi man, nakatikom lamang iyon. Paminsan-minsan ay hinahalikan din naman siya nito pero pulos sa noo, sa