Sa kabila ng sakit na naramdaman ng kaniyang puso ay naging maganda pa rin ang gising ni Mara kinabukasan. Paano ba naman hindi, kung pagkatapos ng tatlong taong pangungulila ay nagising ulit siya isang umaga na katabi ang mahal niya? Ilang minuto niyang hinayaang pagmasdan ang natutulog na si Xander. She have to memorize every part of him. Maingat niyang inalis ang braso nitong nakayakap pa rin sa kaniya. Bago tuluyang tumayo ay puno ng pagmamahal niya itong hinagkan sa labi. "I love you, baby, and I've missed you so much. At mas mami-miss pa kita." Kinuha niya ang mga damit at nagpunta ng shower room. Tutal naman ay tumila na ang ulan kaya puwede na siyang umalis habang natutulog pa si Xander. Leaving him is the most quite painful decision she will ever make. Dahil para lamang niya