Tumitilaok na ang mga manok nang tuluyan akong dalawin ng antok. Ala-una nang madaling araw nakatulog ang kambal pero ako, dilat na dilat ang aking mga mata at gising na gising ang diwa. Iniisip ko ang nangyari, maging ang mga sinabi ni Darius. Tsk! hindi ko dapat siya iniisip. Dapat siya ang hindi makatulog kakaisip sa akin. Alas-otso nang bumangon ako upang paliguan ang kambal. Tumawag daw ang daddy sa landline at sinabi na susunduin niya kami ng nine, kaya kailangang nakabihis na kami pagdating niya. Ngayon ang araw na ipakikilala niya ako sa pamilya ng Cervantes, kaya excited na ako. Una ko nang nakilala ang Don, na lolo ko, at si Tito Matias na kapatid ni Daddy sa mansyon ng mga Antonio kaya kahit paano hindi ako kinakabahan. Mababait sila. At sana pati ang ibang myembro ng pamil