"HELLO, Attorney..." Kagigising ko lang ngayon at si Attorney agad ang unang pumasok sa aking isipan. "Yes, Ms. Cervantes?" "Gusto ko lang po sanang mag-follow up tungkol sa annulment ko. Nakausap mo na po ba ulit si Mr. Antonio?" "Hindi pa po ulit. Pero gaya po ng sinabi niya last time hindi siya pipirma." "Well, let him sign it." "Okay, Miss. Tatawagan ko po siya ngayon din." Napangisi ako. Good. Walang planong pumirma pero sampung araw na, hindi pa din nagpaparamdam. Nanggigigil ako sa kaniya. Buong maghapon naghintay ako ng tawag ng abogado, pero nagsayang lang ako ng oras. "MAGPAHINGA ka na po, My. Alam kong pagod ka," sabi ko kay Mommy. Panay kasi ang hikab niya kahit kaninang naghahapunan kami. Nagmamadali akong maligo habang tulog pa ang mga anak ko. Mabilis ako