"MASAYA ka yata ngayon?" tanong ni Mom habang kumakain kami. Pinaglapat ko ang aking labi saka tumingin sa kaniya. She smirked. "Ka-text mo siya, noh?" "Hindi, Mom. Hindi ko nga alam ang number niya, e," tanggi ko dahil iyon naman ang totoo. "Well, okay then. Tinatanong ka daw ng Doña Elena, sabi ng Tito Brad mo." Ang tinutukoy niya ay ang mommy ni Daddy. "Bakit daw po?" "Namimis ka daw niya, pati ang kambal." Napangiti ako. Hindi na kasi ako nakabalik nang weekends. May topak ang isa sa kambal. Tapos may topak din ang kanilang mommy kaya dito lang kami sa bahay. "Sige po, pupuntahan namin siya ngayon." Tumango siya. "Daanan mo na din ang mommy pag-uwi. Baka magselos. Alam mo naman ang matatanda, maramdamin masyado." "Okay po, Mom." PAGKAALIS ni Mommy nagbihis na din kami ng