Nakaalis na ng bahay si Mommy, pero hindi pa din dumadating si Rhiannon. Akala ko pa man din mag-ba-bonding kami ngayon na gaya ng sinabi niya kahapon. Gusto ko pa man ding makipagkuwentuhan sa kaniya. Wala si Tito Brad. At ang mga kasambahay ay halatang naiilang sa akin. Bakit ba ganito ang pamilyang 'to? Bakit wala pa ding nagpupunta na mga kamag-anak para i-welcome ako. Nakakatampo naman. Nahiga ako sa sun lounger na nasa gilid lamang ng pool. Itutulog ko na lang muna ang pagkabagot ko. KUNG kailan paidlip na ako, saka ko narinig ang boses ni Rhiannon. "Ang tagal mo," reklamo ko. Umupo ako at hinarap ang pinsan ko na ngising-ngisi ngayon. "Akala ko magdadala ka ng photo album?" tanong ko nang wala akong makita na bitbit niya. "Nakalimutan ko, e. Gumala na lang tayo. Da