Chapter Fifty-nine "W-hat do you mean, Governor Rosales?" ani ko na naguluhan. "Hindi ka kabit, Kady. Ako ang kabit mo." Tugon nito. Nakuha pa nitong tumawa. Parang sumakit ang batok ko. Nawala iyong init na nararamdaman ko kanina lang habang nagdi-dirty talks sa gobernador. "I'm not married." "Are you for real?" umupo ito sa tabi ko. Inayos ko naman ang sarili at hinarap ito. "Kadynce, I'm not married to Gemma." "Hindi kayo kasal. Pero live-in partner kayo, tama?" ani ko. Pinoproseso ko pa ang narinig sa utak ko pero marami na agad tanong na nais kong ibato rito at umaasang nasasagot nito. "Yes, live-in partner. Kasal na lang ang kulang." "Pero bakit ang alam ng public ay mag-asawa... I mean kasal kayo?" naguguluhan ani ko rito. "Mas malakas ang hatak no'ng election ang tandem nam