Chapter Sixty Nagising ako dahil sa kalabit ni Evan. Nang nagmulat ako ng mata ay kitang-kita ko kung paano nito hilutin ang ulo niya. "Hangover?" painosenteng tanong ko. For sure mukhang pagod din ako sa paningin nito. Pagkatapos naming nag-usap ni governor ay nag-end up pa rin kami sa kama. 4 am na niya ako inihatid sa kwarto kung nasaan si Evan. Saka siya nagtungo sa kwarto kung nasaan si Gemma. "What happened kagabi, Kady? Anong oras natapos ang inuman?" ani nito. Waring sinusubukang isipin ang mga ganap kagabi. "No'ng nagpaalam ka kagabi ay hindi ka na bumalik. Tinignan ka ni governor dito pero nakita niyang tulog ka na pala. Pagbalik niya kagabi sa garden ay saktong dumating iyong daddy ni Gemma. Nag-usap sila. Tapos after umalis ni Mr. Nunezal ay nagpaalam na ako na matutulog na