Chapter Ninety-three Gemma "D-ad?" kabado ako habang nakatitig sa amang nakaupo sa couch at halatang naghihintay. Sa gilid nito ay may tatlong maleta na alam kong pag-aari ko. "Mabuti naman at nakauwi ka na, Gemma. Come here, anak," kalmado ito. Mas nakakatakot. "What's going on, daddy?" "What's going on? I don't know... baka ikaw alam mo." "H-indi po. Hindi ko po alam." "Really? Have a seat, hija." "D-addy?" ani ko. "Sit!" napaiktad ako sa gulat dahil sa lakas nang sigaw nito. Nanginig agad ang tuhod at dali-daling naupo. "Nakahanda na ang gamit mo, Gemma. Ito na ang huling araw na tatapak ka sa bahay ko. Pati na sa bahay na tinutuluyan ninyo ni Nicholai. Off-limit ka na sa mga property ko." Agad akong napatayo dahil sa narinig. Agad ding lumuhod sa harap ng aking ama.