Chapter Ninety-four Gemma "Nicholai!" agad akong napaayos nang tayo nang nakita ko ang partner ko. Hindi binuksan ang gate dahil hindi naman dumeretso nang pasok ang sasakyan nito. Halatang wala pang maayos na tulog ang lalaki, halatang puyat ito. "What are you doing here, Gemma?" "Ayaw nila akong papasukin kaya narito ako sa labas. Kahapon pa ako sumusubok na pumasok pero dahil galit si daddy sa akin ay hindi nila ako pinayagan. Tara na't sabay na tayong pumasok---" "No," may diing ani ni Nicholai saka inalis ang kamay kong humawak sa braso nito. "Tapos na tayo, Gemma." "What? Tapos? Come on, Nicholai. Hindi tayo tapos... walang relasyong matatapos dito. Remember... ako ang dahilan kung bakit nasa ganyang estado ka ng buhay mo. Dahil sa akin ay mas nakilala ka ng mga tao at niluk