Chapter Ninety-five "Governor, nasa sala po si Sir Victor. Nais daw po kayong makausap." Balita ng kasambahay kay Nicholai. Ka-video call ko ito at rinig na rinig ko ang sinabi nito. Nag-u-update ito sa akin ng mga ganap pag-uwi pa lang niya. "Talk to him now, Nicholai. You can do it." Cheer ko rito. Nakukuha ko pa talagang mag-cheer, habang ako'y bagsak na bagsak ang pakiramdam. "I'm not going to end this call, Kady. I need you." "Makikinig ako," tugon ko naman dito, saka ito kumilos at naghanda para sa pagbaba sa sala. Halata ang tension sa mukha nito pero binigyan ko ito ng assurance na wala man ako sa tabi nito ng personal, hindi pa rin siya mag-isa. Nang nakarating ito sa sala ay mukhang lang nito ang kita ko. Hindi ko kita ang mukha ng bisita nito. "Hijo," simula ni Victor