Chapter Ninety-six "Nandito ako sa inyong harapan para sumagot sa mga tanong at magsiwalat na rin ng mga information na dapat ninyong malaman. I'm Gemma... Nunezal," parang nag-alinlangan pa itong sabihin ang apelyedo nito. Palibhasa'y nasanay na Rosales ang karugtong ng kanyang pangalan. "Nunezal? Hindi na Rosales? Hiwalay na po ba kayo?" nagsisimula pa lang pero may tanong na agad. Ngumiti lang si Gemma rito. Tipid na ngiti. "Totoo ba iyong article na lumabas regarding kay Governor Rosales? It's just a blind item at puro hint lang naman iyong article pero base sa article na iyon ay sure ang mga tao na si gov ang tinutukoy." "Yes. Si Governor Nicholai Sixto Rosales nga po ang tinutukoy sa article na iyon." "Totoo bang may kabit ang gobernador?" huminga si Gemma ng malalim na akala