Chapter Ninety-seven Sa simpleng post ni Erina ay nagkagulo ang social media lalo't kita ng mga ito kung sino ang naka-tag doon. May mga napaangat ang kilay at napapatanong kung ano ang ibig niyang sabihin doon. "Bodyguard ang kuya mo ni Ma'am Gemma Rosales, right? Anong gusto mong iparating sa post na ito?" "May ibig sabihin ba ito? Si Gemma ba ang liar?" "Hoy! Anong ibig mong sabihin? May chika ka ba d'yan, girl? At isa man sa libo-libong comment ay walang reply si Erina. Good girl! Pinalipas namin ang gabing iyon na tahimik lang. Kinabukasan ay lumabas kami ng hospital. Wala pa ring nakaalam nang sinapit ko. Abogado lang din ang pinaasikaso ko ng mga dapat asikasuhin sa annulment namin ni Evan. Dahil kailangan sa capitol si Governor Rosales ay dumaan muna kami ng capitol. Agad i