Chapter Five
"Bakit mo pinaharangan iyong gilid ng kusina ninyo, Kady?" curious na tanong ni Manang Mariana sa akin habang pinagmamasdan ko si Evan at iyong asawa ni Manang na abala sa pagpapako.
"Mas maganda po kasi na may harang." Tugon ko rito.
"Aba'y ako lang naman ang kapitbahay mo. Mukha ba akong kukuha ng bahaw sa bahay n'yo?"
"What is bahaw po?" takang tanong ko.
"Tirang kanin."
"Ah, hindi ko naman po iyon naisip." Sadyang naiilang lang ako sa ginang.
"Baka naman wild kayong mag-asawa kaya pinalagyan mo ng harang iyan." Nang tignan ko ito ay parang nanunudyo ang tinig nito sa akin. "Sa itsura pa naman ng asawa mo ay mukhang palaban."
"N-agkakamali po kayo." Ako na iyong nahihiya sa naririnig ko rito.
"Oh? Hindi? Hindi ako naniniwala. Sa ganda mong iyan at sexy ay tiyak akong ginagabi-gabi ka ng asawa mo."
"Hindi po sabi."
"Ha?" ani nito. Pero itinikom ko ang bibig ko. Curious ba ang ginang o sadyang tsismosa lang?
"Excuse me po."
"Ineng, huwag kang mahiya sa akin. Iyong asawa ko ay wild din naman no'ng bata-bata pa kami. Lalo't ganyan din ako kaganda sa 'yo at ka-sexy. Ako naman ay naghahanap lang din naman ng kakwentuhan."
"May mga bagay pong mas mabuting sa amin lang ng asawa ko, Manang." Alangan namang sabihin ko rito na wala pang nangyayari sa amin ng asawa ko. Tiyak kwekwestiyunin nito ang pagiging asawa ko. Baka sabihin nito ay tinitiis ko ang asawa ko. Susunod doon ay sasabihin naman nito na maghahanap ng iba ang asawa ko dahil hindi ko pinagbibigyan.
Which is hindi naman gano'n. Sadyang may plano lang si Evan at nirerespeto ko iyon. Nang sulyapan ako ni Evan ay nakuha pa nitong kumindat sa akin.
Ang gwapo talaga ng asawa ko.
"Misis, pasok ka na. Medyo mainit na rito sa labas." Agad akong tumango rito at dali-dali nang pumasok.
Iyong ibang sinasabi ni Manang ay may point naman... pero parang mas marami sa sinasabi nito ang nonsense para sa akin.
Ayaw kong makinig dahil baka sa kasasabi nito ay magduda ako sa asawa kong wala namang ginagawang masama.
"Misis, may problema ba?" tanong agad nito sa akin pagpasok niya. Agad naman akong umiling at ngumiti rito.
"Wala, Evan."
"Naiinitan ka ba?" nagtatanong pa lang ito pero palapit na sa electric fan. Binuksan nito iyon at itinutok sa akin.
"Ikaw ang dapat gumamit niyan dahil pawis na pawis ka." Akmang tatayo ako pero sumenyas ito na manatili sa pag-upo.
"I'm okay, Kadynce. Upo ka lang d'yan at magpahangin. Kahit hindi mo sabihin ay alam kong nahihirapan kang mag-adjust. Lahat ng mga bagay na nakasanayan mo ay wala rito. Mas okay sa akin marinig ang mga negatibo mong nararamdaman sa ganitong sitwasyon kaysa kimkimin mo."
"Sinong may sabi na mahihirapan ako? Evan, wala ka yatang idea na mas mahihirapan ako kung hindi ako sumama sa 'yo. Paano ang buhay ko kung wala ka? Malayo ka? You think ba na kaya ko iyon?"
"I love you, misis. Tiis-tiis lang at maibibigay ko rin sa 'yo ang lahat ng mga kailangan mo." Hinaplos pa nito ang pisngi ko.
"Evan, alam mo naman na sanay akong nagtratrabaho. Pwede bang payagan mo rin ako? Alam kong gusto mo na rito lang ako sa bahay. Pero gusto ko rin kasing tulungan ka. I wanna help you para sa pangarap natin."
"Hhmm... pag-usapan natin iyan kapag stable na ako sa work. Pwede ba iyon?"
"Hindi pwede ngayon?"
"Next time, misis. Gusto ko munang tignan ang magiging takbo ng buhay natin kapag bodyguard na ako ni governor. Kapag sobrang okay... hindi kita papayagan. Magsasabi naman ako sa 'yo kapag kailangan ko nang tulong."
"Okay. Mas okay at malinaw iyan."
"Shower lang ako, misis." Paalam nito.
"Gusto mo bang samahan kita?" tanong ko rito. Ilang linggo na kaming kasal pero talagang pinaninindigan niya ang plano niya.
"Huwag kang tukso, misis. Baka kahit sa sahig ay mag-honeymoon tayo." Natatawang ani nito. "Sa susunod na, ha?" alanganin akong tumango at naiwan na sa sala dahil nagtungo na sa banyo ang asawa.
Sa susunod... no problem. I'll wait.
--
Unang araw nito sa trabaho. Halatang excited na naghahanda sa pagpasok.
"Misis, may isang buwan ako na regular ang pasok. Shifting kasi. 7 am to 5 pm ang schedule ko ngayon. Next month ay hindi ko tiyak. 24/7 kasi ang security ni Governor at ng pamilya niya. Alam mo naman, hindi lang gobernador si Governor Rosales, isa ring negosyante. In short talagang mayaman at mainit sa mata ng mga masasamang tao."
"Basta mag-iingat ka, Evan. Ayaw kong uuwi ka na may sugat, pasa, o worst tama ng baril." Seryosong ani ko rito.
"Oo naman. Mag-iingat ako, Kady. Aba'y hindi pwedeng mabiyuda agad ang maganda kong misis." Napaingos ako sa sinabi nito sa akin.
Nagsasapatos pa lang ito. Nang sumenyas ito sa akin na lumapit ay agad naman akong lumapit dito. Sumenyas siya na maupo ako sa lap niya kaya naman ginawa ko. Saka niya ako niyakap at isinubsob sa leeg ko ang mukha niya. Napahagikhik ako sa kiliting naramdaman.
"Ang bango ng misis ko... gano'n din siguro sa ibaba." Bulong nito.
"Pwede mong amuyin." Sakay ko naman sa biro nito.
"Gosh! Evan, tiis! Evan!" dinig kong ani nito na parang hirap na hirap. Napatawa ako nito.
"Galingan sa pagtitiis, mister." Aliw na ani ko.
"Tiis lang. Kailangan natin munang makabili ng kama para malambot." Parang mas kinukumbinsi nito ang sarili na mas lalo kong ikinatawa.
Nararamdaman ko ang paninigas nang p*********i nito na nauupuan ko. Talagang handa nga itong magtiis.
"Pero pwede ko namang malaman ang amoy sa ganitong paraan..." bigla nitong inilusot sa short ko ang kamay niya. Saka niya sinalat ang p********e.
"B-aka ma-late ka." Paalala ko rito.
"Maaga pa... hindi ako mala-late." Napasandal ako sa dibdib nito nang simulan niyang igalaw ang daliri sa p********e ko.
"Ang bilis mong ma-wet, misis. Sobrang sarap sigurong kainin iyan habang basang-basa." Bulong nito sa akin.
"Oo naman, Evan. Tiyak kong magugustuhan mo ito... ikaw lang ang makakatikim sa menu na offer ko." Sakay ko sa dirty talks nito. Bumibigat ang paghinga ko. Gano'n din sa asawa ko.
"Tangina!" bulalas ng gwapong lalaki na bumibilis ang pagkalabit sa akin doon. Napakapit ako sa braso nito at doon kumuha ng pwersa. Tiyak kong basang-basa na rin ang suot kong panty.
I'm so wet... alam kong higit pa nga roon ang nais at kailangan ko ngayon.
"M-ore!" halinghing ko.
"Evan! Evan!" biglang bumukas ang pinto namin at inabutan kami sa gano'ng tagpo ni Manang Mariana na agad napatakip ng mata.
"Manang, ano ba?" sigaw ni Evan. Dali-dali naman akong umalis sa kandungan ng asawa ko at tumakbo sa banyo.
"Bakit ka sumisigaw? Hindi ko naman alam na may ginagawa kayong milagro ng asawa mo." Nasa banyo na ako. Hindi pa man nakaraos ay naputol na agad.
I don't know kung normal ba itong nararamdaman ko... inis na inis kasi ako sa matandang kapitbahay.
"Manang, hindi ka po kasi dapat pumapasok ng basta na lang sa may bayag ng may bahay." Bakas sa tinig ni Evan ang frustration. Ako... frustrated dahil na bitin. Sa inis ko'y ipinasok ko sa loob ng short ang kamay ko. Ginaya kung paano paglaruan ng asawa ang pinakasensitibong parte ng p********e ko. Habang naririnig ko ang pagtatalo ng dalawa ay patuloy kong pinaligaya ang sarili ko.
Nang labasan ako ay dali-dali akong naghugas ng sarili at suot ang robe na lumabas ako.
Nag-uusap pa rin ang dalawa, ako na dumaan sa sala ay hindi pinansin ang ginang.
Parang ako pa iyong nahiya imbes na iyong matandang babae.
"Aba'y pasensya ka, Evan. Hindi ko naman kasi talaga alam. Dapat sa susunod ay ?magsara kayo ng pinto o kaya ay sa kwarto ninyo gawin. Ang tanda-tanda ko na tapos nakakakita pa ako ng gano'n. Mahiya naman kayo sa akin." Napabuntonghininga ako. Parang ang dating ay kami pa ni Evan ang dapat mahiya sa naabutan niyang ginagawa naming mag-asawa. Bahay namin ito, kami lang dalawa. Pero dahil sa kapitbahay ay parang wala kaming privacy.
Narinig kong lumabas ang ginang. Si Evan ay pumasok naman ng kwarto at agad lumapit sa akin at yumakap.
"Sorry, misis." Bulong nito sa akin.
"Magbihis ka na at baka mahuli ka pa sa trabaho mo." Seryosong ani ko rito.
"Okay. Pero okay ka lang ba?" tanong nito sa akin.
"Okay lang ako." Tugon ko rito. Pilit din akong ngumiti sa asawa ko.
"Magsara ka na lang ng pinto, Kady. Huwag mo na munang kausapin si Manang Mariana."
"Iyon talaga ang gagawin ko, Evan." Biglang napasimangot na ani ko. Napabungisngis ito.
"Hayaan mo mamaya... kakainin kita. Pero kain lang muna, misis. Paninindigan ko kasi iyong pangako ko sa 'yo."
"K..." wala pa rin sa mood na ani ko. Parang ang dating tuloy ay ako ang nagcra-crave ng s*x. Ako iyong nabibitin, ako iyong naghahanap.
"Bawi ako sa 'yo later. Promise." Sabay halik sa pisngi ko at dali-dali na itong lumabas ng kwarto. Napabuntonghininga ako. Okay, babawi naman daw later.