Chapter 100 "Hi, Kady," bati ng dati kong asawa. May nakaharang sa pagitan namin na rehas. Utos ni Nicholai na rito ko harapin si Evan, for safety na rin. "How are you?" ani ko. "Okay naman. Miss na miss ka." "Nakausap ko sina nanay... hindi mo raw sila pinagbigyan na makausap ka." "Dahil ikaw ang gusto kong makita, Kady. I'm glad you're here." Tinitigan ko lang ito. I'm waiting na tanungin niya ako kung bakit ako narito. "Ano ang sadyang mo, Kady?" "Nandito ako para sabihin sa 'yo na... I still hate you," bahagyang umawang ang labi nito sa sinabi ko. "Ikaw Ang natatanging tao na dahilan kung bakit kwenestiyon ko ang sarili ko... ang worth ko na hindi naman dapat. Gusto kong magdusa ka, Evan, sa nakikita ko ngayon ay alam kong hindi pa sapat ang pagdurusa mo." "K-ady... akala ko'y