Governor Nicholai Sixto Rosales Nakatanaw ako sa salaming bintana. Kalmadong nakamasid sa labas. Nang may tumawag sa bago kong tauhan na si Evan ay hindi ako nag-react. Nakikinig ako rito kung paano nito kausapin ang nasa kabilang linya, at kung paano nito itinuro sa isa ko pang tauhan ang asawa nito. I know Evan Dixon, ex-boyfriend ng partner kong si Gemma. Pinagmasdan ko ang babaeng itinuro nito. Asawa niya iyon? Nangingibabaw ang babae sa crowd. Maputi ito, alon-alon ang buhok, may maliit, at maamong mukha. She's beautiful. Agaw pansin ang gano'n ganda ng babae. What's her name? Totoo bang asawa ito ni Evan? Gusto ko siyang makilala... pero bakit? Iyon agad ang tanong sa isip ko. Nang tawagin ang pangalan ko ng host sa event na iyon ay naghihiyawan na ang mga tao. Lumakad na a