Governor Nicholai Sixto Rosales She said yes. Napakagago ko rin na tinanong ko siya habang nasa banyo kami at may ginagawang milagro. Masaya ako. Pero hindi ko maiwasang napakamot ulo dahil sa kapalpakang ginawa ko. "Why?" ani ni Kady. "Baby, actually may inihanda talaga akong proposal... nasa isang restaurant sa labas ng subdivision na ito. Damn! I'm so stupid... doon dapat kita yayayain nagpakasal. Pero... pero hindi ko alam kung bakit ginawa ko na iyon habang nasa banyo tayo." Halos ayaw kong tignan ito dahil sa hiyang nararamdaman. Tinawanan ako nito. Ang lakas ng naging tawa nito. "You're so cute, Nicholai Sixto. Kung inaalala mo ang proposal... it's fine. Hindi naman mahalaga ang location and situation natin... ang mahalaga naman ay mahal natin ang isa't isa at nag-yes ako