Chapter Forty-two Eleya Dixon: "Sobrang bastos mo, Kady. Asawa ka lang ng anak ko. Wala kang karapatan na bastusin ako ng gano'n. Ang kapal ng mukha mo." Gigil na gigil ang ginang sa chat niya sa akin. Kapapasok ko lang ng bahay at may panahon na para tignan ang cellphone ko. Natawa lang naman ako. Hindi ganitong klase ng mga tao ang namulatan ko. Sa amin nga ay paramihan ng achievement in a good way. Iyong mamo-motivate ka na galingang sa field mo... na maging successful ko. Pero sa mga Dixon hindi gano'n. Hihilain ka pababa kung saan sila nakapwesto. Kahit pa hindi siguro kami mag-asawa ni Evan... tiyak na lugmok ito dahil sa pamilyang meron ito. Ngayon ay bongga ang event sa kanila. Baka bukas ay may uutang na ng bigas dito. Kaya naman habang walang ibang ginagawa ay nagpasya