Chapter Forty-three Naiwan si Governor Rosales sa bahay habang kami ng mga Dixon ay nagtungo sa prisinto. For sure susunod si governor sa akin pero binilinan ko ito na huwag magpahalata. "Ipapakulong mo talaga ang anak ko? K-ady, lasing lang siya." Hagulhol ng ginang sa harap ko. Nakuha na ang statement ko. "Kung lahat ng mga gagong gumagawa ng gulo ay palaging dahilan na lasing lang sila everytime na nahuhuli sila... kumusta kaya ang mundo?" sarcastic na tanong ko. "Ipakukulong ko ang anak mo, 'nay." Napaluhod ang ginang. "I-papaayos na lang namin, Kady. Parang awa mo na." Tumawa ako. "Saan kayo kukuha ng pera na pampaayos? Sa asawa ko?" "H-indi. G-agawaan namin ng paraan. Huwag mo lang ipakulong si Rou. M-ay pasok pa iyan bukas. Pati si Erina. Anak, parang awa mo na. G-agawaan