Chapter Forty-four "Bye," ani ko kay Governor Rosales na nakasandal pa sa headboard ng kama, walang saplot, at ang tanging takip ay ang kumot. Nanulis ang nguso nito dahil sa sinabi ko. Gusto niyang mag-stay pa ako pero hindi pwede. Pagkatapos ng ilang rounds namin sa kama ay naglinis na ako ng katawan at nagbihis. Kailangan kong umuwi dahil makwekwestiyon ako ng mga tao roon kapag late ako. "Gumastos ako ng bakasyon ni Manang Mariana para masolo kita tapos ang mga Dixon pala ang papalit." Reklamo nito sa akin na tinawanan ko lang. "Agahan mo na lang ulit ang uwi bukas." 3 pm pa lang ay umuwi na ito para makasama ako. Dito kami sa kwarto niya bumagsak pagdating pa lang niya. Ngayon ay kailangan ko nang umalis. Lumapit ako rito at humalik sa labi nito. "Heay! Pagkatapos mo akon