Chapter Forty-five Hindi ako sanay sumakay sa gano'n. Pero nakarating naman ng ligtas sa capitol. Bitbit ko ang bag ko na pumasok. May ilang napapatingin pa sa akin. "Ma'am Kady!" tawag ni Kygan na kumaway pa sa akin. Nakatambay ito sa bench at nagkakape. Lumapit ako rito. May mga kasama ito na mukhang dito rin sa capitol nagtratrabaho. "Kygan, good afternoon." Bati ko rito. "Nasabi ni Evan sa amin na sasama ka raw. Buti naman. Tiyak na miss na miss ka na no'n." Game rin talaga ang lalaking ito sa larong ginagawa namin ng gobernador. Bahagya lang akong ngumiti rito. Akmang uupo ako ng may kalakasan itong nagsalita. "Punta ka muna sa office ni governor, Ma'am Kady. Sa pagkakaalam ko'y tatawag ulit ang asawa mong si Evan mamaya. Punta ka na." Halos itaboy ako ng gunggong. "Baka busy s