Chapter Forty-six Yakap ako ng gobernador habang nakasakay kami sa yateng sumundo sa amin sa port. Nag-eroplano kami patungong Palawan, at para makarating sa Isla kung nasaan sina Gemma at Evan ay kinailangan naming sumakay sa yate. "Governor, malapit na po tayo." Anunsyo ni Kygan. Kaya agad kaming kumalas ni Nicholai sa isa't isa. Bumalik din agad ito sa pwesto niya kanina. Madaling araw na pero hindi pa kami natulog. Nakuha pa kasi naming magkwentuhan. Iniwan ako ng lalaki sa pwesto ko at saka ito nagtungo sa kabilang upuan. Kinuha niya ang perfume niya sa kanyang bag at nagwisik ng pabango roon. Hindi naman ako nagpabango dahil alam kong possible na kumapit kay Governor iyon. Marunong din naman akong mag-ingat para hindi mahuli. Nang narinig naming nakarating na kami ay naghintay