Chapter Forty "Kadynce, I'm planning to invest sa isang hospital na planong itayo rito sa San Rafael. Malaking investment ito na pinag-iisipan kong mabuti. Pwede mo bang i-check?" ani ng lalaki sa akin sabay abot ng isang folder. Dederetso ang mga ito sa munisipyo dahil sa isang pa-event ng mayor. Ako naman ay nakaharap na sa laptop nito. Nang tanggapin ko iyon ay nakita ko ang salitang confidential sa harap ng folder. Nang buklatin ko ay nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang pangalan ng aming korporasyon doon. "G-ov?" "Mas kilala mo ang magulang mo pagdating sa business. I-review mo iyan. Sabihin mo sa akin after kung ano ang dapat maging desisyon ko sa bagay na iyan." "Ipagkakatiwala mo sa akin?" takang tanong ko rito. Tumango naman ito. "Yes, Kadynce." Saka ito humalik sa pisn