Chapter Thirty-one "Check it, Governor Rosales." Iniabot ko ang katatapos na trabaho rito. Tinanggap nito pero mas pinili nitong ilapag lang din iyon sa mesa. Ilang araw na ang lumipas. Nalalapit na ang uwi ng asawa ko at asawa nito. Trabaho lang din naman ang pinagkaabalahan namin nitong mga nakaraang araw. "Come here, Kadynce. I need a hug." Seryoso ito. Pero bakas sa kanyang mukha ang pagod. Nagtataka man ay lumipat ako ng upuan at tinabihan ito. Pero hindi iyon ang gusto nitong mangyari. Iginiya niya ako pakandong sa kanya. "Gov, masyado namang intimate ng pwesto natin. Ano ba tayo?" tudyo ko rito para patawanin ito at effective naman. "Tayo? Magkakaroon lang ng tayo kapag pumayag ka na sa offer ko. I'm still waiting, Kadynce." "Hindi ko pa tinanggap ang offer mo pero ganito na an