Chapter Thirty-two "Misis!" excited ang tinig na ani ni Evan. Nasa balcony ako nang huminto ang bus at bumaba ito roon. Umalis ito na isa lang ang maleta, ngayon umuwi ito ay dalawa na. May paper bag pa nga. Nang nakapasok ito sa bakuran ay gumawi pa sa sasakyan ang tingin ko pero agad din nitong iniiwas ang tingin saka tuluyan nang nagtungo sa akin. Nang nailapag niya ang mga dala ay agad niya akong niyakap nang mahigpit. "Miss na miss kita, misis." May gigil pa ang yakap nito na para bang miss na miss talaga niya ako. "Welcome back." Tipid na ani ko. "Heay! Parang hindi ka happy na narito ako. Hindi mo ba ako na miss?" ani nito. Napabuntonghininga ako at saka lang yumakap. "Na-miss kita, Evan. I'm glad you're back---" umaarte pa lang ako nang lambing-lambingan ay may huminto ng sasa