Chapter Sixteen "Istrikto si governor sa trabaho pero mabait naman pagkatapos ng trabaho. Para lang kaming magbarkada n'yan." Nandito kami ni Berva sa tapat ng capitol. May coffeeshop na ayon dito ay paboritong bilhan ng gobernador ng kape niya. "Honestly kaya ko naman talaga ang trabaho. Ewan ko ba roon at bigla na lang nag-hire ng bago. Buti na lang ikaw ang napili. Mabilis kang makasunod." Puri nito. "Masyado ka na yatang maraming ginagawa kaya nag-hire siya ulit ng bago." "Sanay naman ako, Kady. Pero thankful pa rin naman ako na may makakahati na ako sa trabaho. Nakilala mo na ba si Ma'am Gemma?" "Oo, no'ng birthday celebration ni governor ay isinama ako ng asawa ko sa bahay nila." "Oh, may asawa ka na?" gulat na ani nito. "Akala ko'y dalaga ka pa. Naisip ko pa nga kanina no'ng